APATNAPU’t dalawang foreign nationals ang dinakip sa operasyon na pinangunahan ng Bureau of Immigration sa isang beach resort sa Alabat, Quezon.
Ang mga inarestong dayuhan sa Barangay Villa Norte ay dinala sa Police Regional Office 4A, Camp Vicente Lim sa Calamba City para sa documentation at biometric processing.
Ikinasa ng BI ang operasyon kasunod ng beripikasyon at imbestigasyon sa lugar, kaugnay ng mission order para sa suspected illegal aliens.
Ang dinakip na mga dayuhan ay nasa kustodiya ng Bureau of Immigration.