INANUNSYO ni US President Donald Trump ang pag-antala sa kanyang sweeping tariffs nang siyamnapung araw.
Binigyan ni Trump ang lahat ng bansa ng 10 percent baseline, maliban sa China na pinatawan nito ng mas mataas na singil sa buwis.
Sinabi ng US President sa Truth Social na base sa kawalan ng respeto na ipinakita ng China sa World Market, itinaas niya ang taripa nito sa 125 percent, effective immediately.
Inihayag ni Trump na mahigit pitumpu’t limang bansa ang humiling ng negosasyon dahil sa taripa, kaya nagpatupad siya ng 90-day pause, at ibinaba muna sa 10 percent ang reciprocal tariff, na effective din immediately.