AABOT sa isandaan at limampung pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa Malabon City.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga kabahayan sa kahabaan ng Gulayan Street sa Barangay Concepcion, na ang karamihan ay gawa sa light materials.
ALSO READ:
Mahigit 200 pulis, ide-deploy para sa 2025 MMFF parade ngayong Biyernes
Guro sa Maynila, inaresto dahil sa umano’y pagbabanta at pamimilit sa 1 estudyante na kumain ng ipis
MMDA nabahala sa tambak na basura sa pumping stations ilang araw bago ang Pasko
MMDA, magpapatupad ng Lane Closure at Stop-And-Go Scheme sa Makati sa Dec. 19 para sa MMFF 2025 Parade
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), tumagal ng mahigit anim na oras ang sunog bago tuluyang naapula.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa kalapit na Barangay Multipurpose Hall at sa isang paaralan.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi sunog at halaga ng mga natupok na ari-arian.
