BUMAGSAK sa ikalawang sunod na araw ang halaga ng piso kontra dolyar, sa pagsasara ng palitan, kahapon.
Nagsara ang piso sa 59.17 pesos kontra dolyar na pinakamababa sa rekord matapos maitala ang 59.13 pesos noong October 28, 2025.
Kasunod ito ng mga usapin ng destabilisasyon at iba pang isyung pulitikal sa bansa.
Pero naniniwala si Rizal Commercial Banking Corp. Chief Economist Michael Ricafort na unti-unting makakabawi ang piso kapag nagsimula na ang holiday-related spending. Inaasahan ding makatutulong ang remittance ng mga overseas Filipinos na karaniwang mas mataas kapag holiday season.




