NAKAPAGTALA ng labinsiyam na volcanic earthquakes sa Mt. Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa PHIVOLCS, noong Miyerkules, Aug. 21 ay umabot sa 6,720 tonnes per day ang average ng sulfur dioxide mula sa bulkan.
Umabot din sa 200 meters ang taas ng ibinuga nitong ash plume.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 2 sa bulkang Kanlaon at mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4 kilometer radius Permanent Danger Zone nito.