EPEKTIBO na ang VAT exemption sa labinglima pang mga gamot panlaban sa cancer, high cholesterol, hypertension at mental illness.
Ayon kay Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., sa bisa ng Revenue Memorandum Circular No. 93-2024 hindi na papatawan ng VAT ang nga gamot para sa cancer, high cholesterol, hypertension, at mental illness.
ALSO READ:
Grupong BAYAN inihahanda na ang panibagong malawakang protesta
Panukalang bumalik ang bansa sa Rome Statute hindi pa natatalakay ng Palasyo
VP Sara, bilib sa mga dating sundalong nagbunyag ng sabwatan ng ilang mambabatas at ICC investigators
Dating Pangulong Duterte, walang direktang utos ng pagpaslang sa Oplan Tokhang, ayon sa defense lawyer
Ito ay ang tugon ng BIR sa updated list ng VAT-exempt products mula sa food and drug administration, under Republic Act No. 10963 and 11534. Inilabas ng BIR sa kanilang facebook page ang listahan ng mga gamot na kabilang sa exempted sa VAT.
