INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang isasara sa trapiko ang bahagi ng Guadalupe Bridge sa EDSA sa Oktubre sa susunod na taon.
Sinabi ni MMDA Acting Chairperson Romando Artes na sisimulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang repairs sa outer lanes ng 60-year-old na tulay pagkatapos ng konstruksyon ng temporary bridge.
Pulis, sugatan matapos saksakin ng co-accused na kabaro sa Camp Crame sa Quezon City
Upos ng yosi, Top 1 sa mga basurang nakulekta sa Metro noong 2025
Quiapo officials, planong paiiksiin ang ruta ng Traslacion sa susunod na pista ng Nazareno
Public school teacher, nasawi sa gitna ng classroom observation sa Muntilupa City
Tiniyak ni Artes na hangga’t hindi nagagawa ang temporary bridge ay walang pagsasarang gagawin.
Paglilinaw ng MMDA Chief, dalawang outer lanes lamang ang isasara, na nasa labas ng red lines habang ang inner lanes ng EDSA Guadalupe ay hindi maaapektuhan.
Sa pagtaya ni Artes, tatagal ang konstruksyon ng temporary bridge ng sampung buwan habang ang rehabilitasyon ng Guadalupe Bridge ay inaasahang makukumpleto sa loob ng labimpitong buwan.
