MAHIGIT kalahati na ng 1.4 million liters ng industrial fuel oil ang nasipsip mula mula sa MT Terranova na lumubog sa Bataan noong nakaraang buwan, ayon sa Philippine Coast Guard.
Nakasaad sa statement ng PCG na batay sa ulat ng kinontratang salvor na Harbor Star, mahigit 896,000 liters na ang nakolektang oily waste, simula Aug. 19 hanggang 28.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Noong Miyerkules ay kabuuang 232,187 liters ang nasipsip mula sa motor tanker, dahilan para umakyat na sa 896,257 liters ang nakolektang langis.
Ininspeksyon din ng mga diver ng Harbor Star ang mga pump at hose para sa anumang senyales ng leakage, subalit wala silang na-obserbahang tagas sa isinagawang underwater survey.
