NASA tatlumpu katao ang nasawi habang daan-daan ang pinaniniwalaang nawawala matapos mag-collapse ang isang dam sa Northwest Red Sea State, sa Sudan, ayon sa emergency relief agency ng United Nations.
Inihayag ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA), na na-wipe out ng flash flood ang dalawampung mga barangay at napinsala ang limampung iba pa matapos gumuho ang Arba’at Dam.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Tinaya naman sa limampunlibong katao ang labis na naapektuhan ng naturang kalamidad.
Ang naturang dam facility ang nagsu-supply ng fresh water sa Port Sudan, na ika-lima sa pinakamalaking lungsod sa bansa.
