PATULOY ang pagbaba ng kaso ng “whooping cough” o pertussis sa buong bansa.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa 131 cases na naitala simula July 7 hanggang 20, bumaba ito sa 77 noong July 21 hanggang Aug. 3, at bumagsak pa sa labinsiyam na kaso simula Aug. 4 hanggang 17.
Gayunman, naobserbahan ang pagtaas ng kaso sa apat na rehiyon na kinabibilangan ng National Capital Region, Cagayan Valley, Western Visayas, at Davao Region, sa nakalipas na anim na linggo simula noong Aug. 17.
Kabuuang 3,827 pertussis cases ang naitala ng DOH simula nang mag-umpisa ang 2024, na karamihan ay nai-record noong Marso at Abril.
Mas mataas ito ng labintatlong beses kumpara sa 291 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.