ARESTADO ang isang lalaki kasunod ng pananaksak sa walo katao habang pitong iba pa ang nasugatan bunsod ng attack sa isang factory ng gulong sa Japan.
Walong indibidwal ang isinugod sa ospital matapos saksakin ng lalaking armado ng kutsilyo sa pabrika ng Yokohama Rubber Company, sa Mishima City, sa Shizuoka Prefecture.
Ayon sa pulisya, dinakip ang trentay otso anyos na lalaki bunsod ng attempted murder.
Pitong iba pa ang nasugatan din at dinala sa ospital matapos sabuyan ng bleach ng suspek, sa hindi pa malamang dahilan.




