28 December 2025
Calbayog City
National

14 na biktima ng human trafficking, napigilang lumabas ng bansa

ARTICLE – 1

NAHARANG ng Bureau of Immigration (BI) ang labing apat na indibidwal na pinaniniwalaang biktima ng human trafficking, at umano’y na-recruit na magtrabaho sa scam hubs sa ibang bansa.

Ayon sa BI, ang unang grupo ay binubuo ng tatlong indibidwal na edad, 33, 25, at 27, na napigilan sa Ninoy Aquino International Airport terminal 1 noong feb. 4 habang pasakay sa Philippine Airlines flight patungong Thailand

Inamin ng tatlo na ni-recruit sila na mag-trabaho sa Cambodia bilang customer service representatives para sa isang iligal na business process outsourcing (BPO) company. 

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).