18 March 2025
Calbayog City
National

Pilipinas at UAE, nagkasundong palawakin pa ang trade cooperation!

NAGKASUNDO ang Pilipinas at United Arab Emirates na palakasin pa ang kooperasyon sa kalakalan, tungo sa pagpapalalim ng ugnayang pang-ekonomiya

Nangyari ito sa courtesy call ni UAE Minister of Investment Mohamed Hassan Alsuwaidi kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa Pangulo, nasisiyahan siyang makita ang maraming larangan na maaaring pagtulungan ng dalawang bansa.

Isinulong naman ng UAE official ang pagdaragdag ng investment sa imprastraktura, industrial mining, telecommunications, data centers, healthcare, at iba pa.

Ipinabatid din nito ang pagkilala ng kanilang bansa sa filipino nurses sa mahusay na pag-aalaga sa mga pasyente.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).