5 July 2024
Calbayog City
Metro

138 toneladang basura nahakot ng MMDA sa Manila Bay Clean-Up Drive

NAKAHAKOT ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng 138 na tonelada ng basura sa isinagawang clean-up operation sa Manila Bay mula July 1 hanggang August 5.

Kabilang rito ang sari-saring basura na inanod patungo sa pampang ng Manila Bay dahil sa malakas na ulan dala ng ilang bagyo at habagat noong mga nakaraang linggo .

Panawagan ng MMDA sa publiko, maging responsableng tagapangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pagtatapon ng mga basura sa tamang lugar at mag-recycle ng basura na maaari pang mapakinabangan.

Ayon pa sa ahensiya, iwasan ang pagtatapon kung saan-saan na maaaring mapunta sa Manila Bay.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *