SINIMULAN na ng city government ng Borongan sa Eastern Samar ang Flood Control Project gamit ang 118 million pesos na People’s Survival Fund (PSF) na inaprubahan noong nakaraang taon.
Ang proyekto ay tinawag na “Reinforcement of Lo-Om River Flood Protection System and Redevelopment for Resilient Communities and Livelihood.”
Layunin nito na maprotektahan ang mga nakapaligid na komunidad mula sa baha ay suportahan ang mga residente sa kanilang mga pangangailangan sa pangkabuhayan upang makamit ang pangkalahatang katatagan.
Nagpasalamat naman si Mayor Jose Ivan Dayan Agda sa PSF sa pagkilala sa kahalagahan ng proyekto at inaasahang epekto nito sa lokal na komunidad.