20 May 2025
Calbayog City
Local

Eastern Visayas RDC, kumpiyansa na mas mataas ang tsansa na maaaprubahan ang mga panukalang proyekto para sa 2026

TIWALA ang Eastern Visayas Regional Development Council (RDC), na mas mataas ang tsansa na mapondohan ang mga panukalang proyekto sa rehiyon para sa susunod na taon.

Sinabi ni Meylene Rosales, RDC Vice Chairperson at Regional Director ng National Economic and Development Authority, na inobliga nila ang project proponents na magsumite ng mga dokumento bilang patunay na handa ang mga ahensya na gawin ang mga naturang proyekto.

Aniya, nagtakda ng polisiya ang RDC na hindi i-endorso ang anumang proyekto sa national government kung ang kanilang proposals ay hindi handa para sa implementasyon.

Binigyang diin ni Rosales na ang pagkumpleto sa implementation-ready documents ay magpapalakas sa funding prospects, sa pamamagitan ng pagtiyak na handa na ang proyekto na maipatupad bago pa man maaprubahan.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).