12 July 2025
Calbayog City
Metro

10 pulis na nakatalaga sa CIDG, isinailalim sa restrictive custody bunsod ng robbery, extortion at kidnapping

PNP-OFFICERS

SAMPUNG personnel ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakatalaga sa Southern Metro Manila District Field Unit (SDFU) ang isinailalim sa restrictive custody sa PNP Custodial Facility bunsod ng umano’y robbery extortion, at kidnapping.

Ayon kay PNP Spokesperson, Police Brig. Gen. Jean Fajardo, nangyari ang insidente noong Feb. 17, nang akusahan ang mga pulis na sinalakay ang isang warehouse sa First Tondo Complex, sa Tondo, Maynila.

Aniya, dinala ng mga inakusahang pulis ang mga tao mula sa warehouse sa CIDG-SDFU Office sa Lawton Avenue, sa Taguig City, bunsod ng umano’y paglabag sa Firearms Law.

Sinabi ni Fajardo na ang mga pulis ay kinabibilangan ng isang lieutenant colonel, isang major, apat na sergeant, isang cororal, at tatlong patrolman.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).