27 April 2025
Calbayog City
National

1 sa bawat 10 batang pinoy, mayroong Anemia, ayon sa DOST

ISA mula sa sampung batang anim hanggang labing dalawang taong gulang  ang mayroong anemia, ayon sa Department of  Science and Technology (DOST).

Inihayag ng DOST-Food and Nutrition Research Institute (FNRI), na ang  national estimate sa anemia sa school-aged children ay 12.11 percent, batay sa kanilang 2018-2019 expanded National Nutrition Survey.

Sinabi ng DOST-FNRI na Pre-Pandemic pa ang huling datos, kaya sa kasalukuyan ay nagsasagawa sila ng  national nutrition survey na sinimulan nila noong nakaraang taon, upang magkaroon ng updated data sa anemia.

Binigyang diin ng ahensya na ang anemia na isang blood disorder dahil sa pagkakaroon ng mababang red blood cell count ay itinuturing na Public Health Problem of Mild Significance.

Ang mga anemic ay maaring makaranas ng kakapusan sa paghinga, pagkahilo, pananakit ng dibdib, at fatigue o pagkapagod.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *