BINUKSAN ang isang gate ng Magat Dam na nasa boundary ng Ifugao at Isabela, para magpakawala ng tubig.
Ayon sa PAGASA, nag-release ang gate ng dam kahapon ng umaga, ng kabuuang 461.33 cubic meters per second ng tubig, as of 8 a.m. habang naitala ang water level sa 188.59 meters.
Kabilang sa mga apektadong lugar ang mga bayan ng Ramon, San Mateo, Aurora, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Burgos, Naguilian, at Gamu sa Isabela at Alfonso Lista sa Ifugao.
Sa pagtaya ng PAGASA, average na 15 millimeters hanggang 25 millimeters ng ulan ang inaasahang babagsak sa dam sa susunod na dalawampu’t apat na oras.
Una nang inihayag ng State Weather Bureau na nakaaapekto sa bansa ang Low Pressure Area (LPA) na nasa Southern Leyte, gayundin ang Southwest Monsoon o Habagat na umiiral sa Western Section ng Southern Luzon.




