PATAY sa pag-atake ng Israel sa Nasser Hospital sa Gaza ang hindi bababa sa labinlima katao, kabilang ang apat na journalists na ang isa ay mula sa Reuters.
Ayon sa Palestinian Health Officials, nasawi sa unang Strike ang cameraman at Reuters contractor na si Hussam Al-Masri.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Sugatan din ang isa pang Reuters contractor at photographer na si Hatem Khaled, sa ikalawang Strike sa ospital.
Sinabi ng mga witness na nangyari ang pangalawang Strike matapos sumugod ang mga Rescue Worker, Journalists at iba pang mga tao sa pinangyarihan ng unang pag-atake.
Wala pang komento ang Israeli Military at Prime Minister’s Office hinggil sa naturang Strikes.
