SISIMULAN ng Leyte Provincial Government ang pagtatayo ng International Seaport sa bayan ng Babatngon, sa Leyte, ngayong taon para palakasin ang Local Economy.
Ayon kay Governor Carlos Jericho Petilla, ang Seaport na tatawaging Leyte Provincial International Port and Leyte Export Processing Complex, ay popondohan sa pamamagitan ng 1.6 billion pesos na Loan mula sa Development Bank of the Philippines (DBP).
Infinite Radio Calbayog Welcomes New Station Manager
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mas maraming Anti-Insurgency Projects, ipatutupad sa Northern Samar sa 2026
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
Sinabi ni Petilla na inaasahan na magkakaroon ng mas maraming Transshipment kung mayroong mga importasyon na nakalaan para sa Eastern Visayas, na magreresulta sa mas mababang presyo ng mga produkto.
Binigyang diin ng gobernador na ang mga Cargo para sa Eastern Visayas ay dumarating sa Cebu City bago sa Leyte at Samar Provinces.
Sa pamamagitan ng proyekto ay inaasahang bababa ang Taripa para sa Port Users, lilikha ng trabaho, mababawasan ang oras sa Shipping Navigation, at darami ang mga papasok at lalabas na mga produkto.
Idinagdag ni Petilla na napili nila ang Babatngon para pagtayuan ng International Seaport dahil mas malapit ito sa Samar Island, at hindi na kailangan pang tumawid ng Cargo Ships sa San Juanico Strait o dumaan sa San Juanico Bridge.
