KABUUANG 1.56 trillion pesos na investments ang inaprubahan ng Board of Investments (BOI) noong 2025.
Ito ang ikalawa sa pinakamataas na naitalang investment approvals ng ahensya sa loob ng 58-year history ng ahensya.
ALSO READ:
Gayunman, mas mababa ito ng 3.7% mula sa 1.62 trillion pesos noong 2024, subalit ito ang ikalawang sunod na taon na nalagpasan ang 1.5-trillion peso level.
Inihayag ni Trade Secretary at BOI Chairperson Ma. Cristina Roque na ang inaprubahang investments ay inaasahang makalilikha ng 40,175 na trabaho sa buong bansa.




