BINALAAN ni US President Donald Trump ang bagong leader ng Venezuela na si Delcy Rodriguez na magbabayad ng mahal kung hindi nito gagawin kung ano ang tama.
Ginawa ni Trump ang babala, sa harap ng nakatakdang pagdalo ni Deposed President Nicolas Maduro sa New York Court.
ALSO READ:
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Iran, nagbantang gaganti kapag umatake ang US sa gitna ng ginagawang pagkontrol sa mga nagpo-protesta
Inakusahan ng Amerika si Maduro ng Drug Trafficking and Weapon Offences at pagpapatakbo ng “Narco-Terrorist” regime, na mariin naman nitong itinanggi.
Sa panayam, sinabi ng US president na kapag hindi inayos ni Rodriguez ang pamumuno ay posibleng mas mahal pa ang pagbabayaran nito kaysa kay Maduro.
Una nang inanunsyo ni Trump na US muna ang magpapatakbo sa Venezuela hangga’t wala pang “safe, proper and judicious transition.”
