UMABOT na sa 12 million pesos ang nakolekta ng Manila City Government na Unpaid Taxes ng mga contractor mula sa mga kumpanyang sangkot sa Flood Control Projects.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, mula sa 8 million pesos noong nakaraang linggo ay nadagdagan pa ito ng 4 million pesos, hanggang kaninang umaga.
Sinabi pa ng alkalde na binigyan ng pamahalaang lungsod ang mga kontratista na sapat na oportunidad at panahon para bayaran ang kanilang mga obligasyon.
Gayunman, binigyang diin ni Moreno na kung hindi pa rin tatalima ang mga contractor ay hindi sila magdadalawang isip na magsampa ng reklamo laban sa mga ito sa Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Budget and Management (DBM), at maging sa Office of the President.
Una nang isiniwalat ni Moreno na aabot sa 255 million pesos na buwis ang hinahabol nila mula sa contractors na sangkot sa 315 Flood Control Projects sa Maynila.