LUMOBO na sa dalawampu’t apat ang bilang ng mga nasawi sa wildfires sa Southeastern Region ng South Korea.
Kabilang sa nasawi ang piloto ng isang firefighting helicopter matapos mag-crash ang aircraft.
ALSO READ:
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
Naaksidenteng school bus sa Colombia, pumatay ng 17; 20 iba pa, sugatan
Ayon sa South Korean Government, mabilis na kumalat ang wildfires dahilan para lisanin ng mahigit dalawampu’t pitunlibo katao ang kanilang mga tahanan.
Inihayag ni Acting President Han Duck-Soo na idineploy na nila ang lahat ng available personnel at equipment para apulahin ang wildfires subalit talagang hindi maganda ang sitwasyon.
