KARAGDAGANG mga proyekto na idinesenyo para matuldukan na ang insurhensiya ang ipatutupad sa Northern Samar sa 2026, sa ilalim ng Support to the Barangay Development Program (SBDP).
Sa reports mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG), inihayag ng Northern Samar Provincial Government na pinalawak ang SBDP sa pamamagitan ng bagong recipient communities sa susunod na taon.
Bagong paanakan sa Capoocan Main Health Center, magpapalakas sa healthcare ng bawat pamilyang Calbayognon
Mahigit 170 na Octogenarians at Nonagenarians sa Borongan City, tumanggap ng cash aid
DOH-8, sinuri ang kahandaan ng mga ospital para sa holiday-related emergencies
2 miyembro ng NPA, patay sa sagupaan laban sa militar sa Northern Samar
Gayundin ang iba pang bahagi ng Retooled Community Support Program (RCSP) para sa taong 2025-2026.
Ilan sa mga bagong SBDP beneficiaries ay ang mga Barangay Macagtas, Washington, Somoge at Libjo sa Catarman; Barangay Del Pilar at Quezon sa Las Navas; Barangay Alejandro sa Allen; at Barangays Magtuas at Sulitan sa Catubig.
Noong 2024, 161 projects ang natapos sa ilalim ng SBDP habang ngayong 2025 ay dalawang proyekto ang nakumpleto, dalawang bagong projects ang ongoing sa Gamay at Mapanas habang tatlong projects ang nasa ilalim pa ng procurement.
