NAGPOSITIBO sa COVID-19 si US President Joe Biden sa kanyang campaign trip sa Las Vegas at dumaranas ngayon ng mild symptoms, ayon sa White House.
Tiniyak naman ng 81-year old US President na maayos ang kanyang pakiramdam at nag-thumbs up sign pa, paglabas niya ng kanyang limousine na tinawag na “The Beast,” bago sumakay sa air force one para mag-isolate sa kanyang beach home sa Rehoboth, Delaware.
18 anyos na babae na may mental health issues, salarin sa mass shooting sa paaralan sa Canada
Lalaki sa Thailand, sinentensyahan ng hanggang 50 years na pagkabilanggo dahil sa pang-iinsulto sa hari
Royal Palace sa Britain, handang tumulong sa mga otoridad hinggil sa koneksyon ni Former Prince Andrew kay Jeffrey Epstein
14, patay sa pagguho ng gusali sa Tripoli City sa Lebanon
Nangyari ang anunsyo, ilang minuto matapos sabihin ng head ng isang latino union na tumawag si Biden para humingi ng paumanhin dahil hindi ito matutuloy sa pagbibigay ng talumpati sa kanilang mga miyembro.
Dahil dito, lalong nadagdagan ang pressure kay Biden na huwag nang ituloy ang kanyang pagkandidato bilang reelectionist laban kay Donald Trump matapos ang umano’y nakakahiyang debate performance nito dahil sa kanyang edad at kalusugan.
