ISINAILALIM sa State of Calamity ang Maguindanao Del Sur kasunod ng malawakang pagbaha sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.
Sinimulan na ng mga residente ang pagtatanggal ng makakapal na putik na iniwan ng baha sa mga bayan ng Pagalungan at Datu Montawal.
ALSO READ:
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Bilang ng mga nasawi sa pagguho ng landfill sa Cebu City, umakyat na sa 6
Samantala, apektado pa rin ng baha ang ilang lugar sa Datu Piang, partikular sa Duaminanga Elementary School, kung saan tinitiis ng mga residente ang hanggang baywang na tubig-baha.
May mga naipamahagi nang emergency assistance sa mga apektadong pamilya, habang inaalam pa ng Local Disaster Risk Reduction Office ang kabuuang halaga ng pinsala na iniwan ng kalamidad.
