SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sea travel sa ilang bahagi ng Northern Samar bunsod ng inaasahang epekto ng northeast monsoon o amihan.
Sa Notice to Mariners, sinabi ng PCG Station sa Northern Samar na lahat ng sea vessels na dumadaan sa ruta sa loob ng northeastern portions ng northern at eastern coasts ng Northern Samar ay bawal umalis ng port.
Mahigit 900 katao, nasugatan dahil sa aksidente sa kalsada sa Region 8 sa unang 2 buwan ng taon
DPWH, humahanap ng pondo para sa ‘Grand Canal’ sa Tacloban matapos hindi paglaanan ngayong 2026
Pamamaril sa DPWH engineer ng aktibong sundalo sa Northern Samar, kinundena ng Philippine Army
Provincial Government ng Samar, kinilala ang lakas, pamumuno, at kontribusyon ng kababaihan ngayong Women’s Month
Saklaw ng abiso ang mga bayan ng Biri, Rosario, San Jose, Bobon, Catarman, Mondragon, San Roque, Pambujan, Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lavezares, at Lapig, na pawang nasa Samar Provinces.
Pangunahing apektado ang mga biyahe na patungong island communities sa northeastern part ng lalawigan.
Lahat ng mga sasakyang pandagat na 250 gross tonnage pababa na nasa loob ng northern at eastern coasts ng Northern Samar ay pansamantalang suspendido ang biyahe.
