27 April 2025
Calbayog City
Local

P9.7M na halaga ng shabu, nakumpiska mula sa isang inarestong suspek sa Tacloban City

AABOT sa 9.7 million pesos na halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad mula sa isang naarestong drug suspect sa Tacloban City.

Nasakote sa buy bust operation ang suspek na si alyas “Budoy” sa kahabaan ng Magsaysay Boulevard, sa Barangay 25, sa naturang lungsod.

Ayon sa Tacloban Police, nasamsam mula sa trenta’y siyete anyos na construction worker ang mahigit isang kilo ng shabu, gayundin ang isang 9mm pistol at isang magazine na may kargang mga bala.

Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa dangerous drugs act at COMELEC gun ban.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).