MANGANGAILANGAN ng karagdagang dalawa punto limang bilyong pisong pondo kung hindi matutuloy sa Mayo a-dose ang Bangsamoro Parliament Elections.
Ipinaliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia na kapag ipinagpaliban ang Bangsamoro Parliamentary Elections, ibig sabihin ay espesyal itong halalan na mangangailan din ng hiwalay na mga gamit, guro, at balota.
ALSO READ:
Dating COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, dinemanda ang mall goer na nasa viral video
FDA, LTO, at BIR, nanguna sa listahan ng mga ahensya na may pinakamaraming reklamo ngayong 2025
LTFRB, naglabas ng 1,500 Special Permits bago ang Christmas rush
Mahigit 134,000 katao, naapektuhan ng Bagyong Wilma at Shear Line – DSWD
Una nang sinepertikahang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang ang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa bersyon ng senado, pinauurong ang BARMM Elections sa Oct. 13, 2025 habang isinusulong naman sa kamara na idaos ito sa May 2026.
