UMABOT na sa “Alert Level” ang kaso ng dengue sa National Capital Region, ayon sa Department of Health.
Ayon kay Mary Grace Labayen ng doh-ncr Regional Epidemiology and Surveillance Unit, 24,232 dengue cases ang naitala sa Metro Manila simula Jan. 1 hanggang Oct. 26.
Mas mataas ito ng 34.47 percent kumpara sa 18,020 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Animnapu’t anim ang naitalang nasawi sa dengue sa ncr sa unang sampung buwan ng taon.
Karamihan sa mga tinamaan ng dengue sa Metro Manila ay mga batang lima hanggang siyam na taong gulang.