BUMABA si Rolando Macasaet bilang President and Chief Executive Officer (CEO) ng Social Security System (SSS).
Ayon sa state-run Pension Fund, epektibo ang pagbaba sa posisyon ni Macasaet, kahapon, matapos ang labinsiyam na buwang pamumuno simula noong January 5, 2023.
Hindi naman nagbigay ang SSS ng iba pang detalye sa pag-alis ni Macasaet sa ahensya, at kung sino ang papalit sa kanya.