9 February 2025
Calbayog City
Overseas

24, patay sa airstrike sa Mosque at eskwelahan sa Gaza

HINDI bababa sa dalawampu’t apat ang nasawi siyamnapu’t  tatlong iba pa ang nasugatan sa Israeli Airstrike na tumama sa isang mosque at isang eskwelahan sa Gaza Strip.

Pag-atake sa mosque at paaralan, malapit sa Al-Aqsa Hospital sa Deir Al-Balah sa Central Gaza Strip, ay sa gitna nalalapit na unang anibersaryo ng digmaan ng Israel at Grupong Hamas sa Oct. 7.

Inihayag ng israeli military na nagsagawa sila ng “precise strike” sa hamas terrorists na nag-o-operate sa loob ng command and control center na nasa loob ng istruktura na dating nagsisilbi bilang “Shuhada Al-Aqsa” Mosque sa Deir Al Balah.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).