24 June 2025
Calbayog City
Provincial

9 na Volcanic Quakes, naitala sa Bulkang Taal sa Batangas

SIYAM na volcanic quakes ang naitala sa Bulkang Taal sa Batangas, simula 12 am ng Sabado hanggang 12 am ng Linggo.

Ayon sa PHIVOLCS, kabilang sa mga naturang pagyanig ang dalawang volcanic tremors na tumagal ng anim na minuto.

Nakapagtala rin ang bulkan ng anim na phreatic eruptions na tumagal ng isa hanggang tatlong minuto at isang minor phreatomagmatic eruption na tumagal naman ng apat na minuto.

Sinabi ng PHIVOLCS na ang phreatomagmatic event ay posibleng dulot ng biglaang contact ng tubig at magma na nasa main crater ng taal na naglalabas ng sustained levels ng sulfur dioxide sa nakalipas na tatlong taon.

May naitala rin na 2,068 tons ng ibinugang sulfur dioxide ang bulkan noong sabado, at may pag-angat pa rin ng mainit na volcanic fluids sa main crater lake ng taal.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).