PATAY ang isang disi syete anyos na Pilipina makaraang mabangga ng tren sa Greco-Pirelli Station, sa Milan, Italy.
Ayon sa Italian news outlet na Il Messaggero, binawian ng buhay ang teenager sa San Gerardo Hospital sa Monza kasunod ng insidente.
ALSO READ:
Senior citizens na nakatanggap ng Social Pension noong nakaraang taon, lagpas pa sa target
Pangulong Marcos, nagbigay ng financial assistance at medical equipment sa ospital sa Cebu
Dating DPWH Sec. Manuel Bonoan, maari nang i-deport ng US, ayon kay Ombudsman Remulla
Atong Ang, Number 1 Most Wanted sa bansa ayon sa DILG; Red Notice laban sa negosyante, ihihirit ng pamahalaan
Tumatawid umano sa riles ang biktima lulan ng scooter kasama ang kanyang mga magulang nang mabangga siya ng tren.
Nagpaabot na ang Philippine Consulate General sa Milan ng pakikiramay sa naulilang pamilya ng Filipino teenager.
