18 May 2025
Calbayog City
Metro

Chinese National, arestado ng NBI malapit sa tanggapan ng COMELEC sa Maynila; spy equipment, nakumpiska

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang Chinese National na nahulihan ng mga spy equipment habang nasa loob ng nakaparadang sasakyan malapit sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa Intramuros, Maynila.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, ang dayuhan ay nakilalang si Tak Hoi Lap na nadakip sa loob ng nirentahan niyang Mitsubishi Xpander kung saan naroroon ang spy equipment na International Mobile Subscriber Identity (IMSI) catcher.

Ang nasabing kagamitan ay ginagamit para makapakinig, maharang ang mga datos sa mobile phones at mai-track ang location data ng mobile phone users.

Ayon kay Lavin ang pagdakip sa dayuhan ay bunsod ng paglabag nito sa Espionage Law at Data Privacy Act.

Sa ginawang pagsubaybay ng NBI sa dayuhan, nitong nagdaang mga araw ay umikot-ikot din ito sa bahagi ng Taguig at Makati.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.