NAI-deliver na sa bansa ang second batch ng bagong manufacture na Automatic Counting Machines (ACMs) at election peripherals na gagamitin sa halalan sa susunod na taon.
Ayon sa Miru System, ang South Korean Firm na nakakuha sa kontrata, 8,640 ACMs ang dinala kamakailan lamang sa Comelec Warehouse sa Biñan, Laguna habang panibagong 8,640 machines ang dumating din sa bansa.
ALSO READ:
200K Units ng popular na Herbal Inhaler sa Thailand, pinare-recall sa merkado dahil sa Microbial Contamination
Kampo ni FPRRD, naghain ng apela sa Jurisdiction Ruling ng ICC
NAIA, may paalala sa mga biyahero ngayong Undas
ICI, inirekomendang kasuhan sina Senators Villanueva at Estrada, Dating Cong. Zaldy Co, at iba pang mga personalidad
Dahil dito, sinabi ng kumpanya na nalagpasan nila ang delivery ng 20,000 poll machines para sa buwan ng Agosto, gaya ng ipinangako nila sa Comelec.
Idinagdag ng South Korean Firm na nai-deliver na nila ang 100 percent ng servers, printers, at laptops na gagamitin sa canvassing ng mga boto.
