ISANG barko na naka-angkora sa Navotas Centennial Park ang nasunog sa gitna ng malakas na hangin at ulan dulot ng Bagyong Enteng.
Ayon sa Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR), pasado alas nueve kahapon ng umaga nang tupukin ng apoy ang barko.
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Sinabi naman ni Fire Officer 1 Rachel Martinez ng BFP-Navotas na hindi agad naka-responde ang mga bumbero bunsod ng malakas na hangin at ulan, at matataas na alon.
Samantala, inihayag ni Mayor John Rey Tiangco na nasagip ng mga tauhan ng barangay at Coast Guard ang ilang tripulante ng barko, bagaman may isa pang napaulat na nawawala at kasalukuyan pang biniberipika.
Iniulat naman ng Navotas Public Information Office na dalawang barko rin ang sumadsad sa bahagi ng coastal dike sa Barangay Navotas West at nai-report na nila ang insidente sa Philippine Coast Guard.
