13 February 2025
Calbayog City
National

Comelec, wala pang natatanggap na counter-affidavit mula kay Dismissed Mayor Alice Guo sa kabila ng deadline

WALA pang isinusumiteng counter-affidavit sa Comelec si Dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo laban sa subpoena na inihain laban sa kanya ng poll body.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na wala pa silang natatanggap na komunikasyon mula sa kampo ng sinibak na alkalde, kung itutuloy ang paghahain nila ng kontra-salaysay ngayong araw.

Noong nakaraang linggo ay inaprubahan ng poll body ang kahilingan ng kampo ni Guo na palawigin sa Sept. 1 mula Aug. 27 ang pagsusumite nila ng counter-affidavit laban sa subpoena.

Gayunman, inihayag ni Garcia na kung hindi pa rin makapaghain ang dating alkalde ng kontra-salaysay ngayong araw  dahil suspendido ang pasok bunsod ng masamang panahon, ay maghihintay pa rin sila hanggang bukas.

Aug. 13 nang isilbi ng mga kinatawan ng Comelec ang subpoena laban kay Guo kaugnay ng material misrepresentation complaint na isinampa laban sa kanya.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).