HINDI bababa sa pito ang nasawi habang apat ang nawawala sa Antipolo City, sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Enteng.
Kabilang sa tatlong nasawi sa Barangay San Jose ang isang buntis, habang ang dalawang magkapatid na batang lalaki a magkayakap nang matagpuan sa ilalim ng makapal na putik at nagtumbahang mga puno.
ALSO READ:
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Sa Barangay San Luis, natagpuan ang bangkay ng isang taong gulang na lalaki na nalibing din ng buhay, ayon sa Antipolo City Disaster Risk Reduction And Management Office.
Bagaman nakaligtas ang lolo ng bata, ang apat naman nitong kaanak, kabilang ang kanyang mga magulang at walong taong gulang na kapatid ay hindi pa rin natatagpuan.
