INAMIN ng aktres na si Ysabel Ortega na napag-uusapan na nila ni Miguel Tanfelix ang tungkol sa pagpapakasal.
Gayunman, binigyang diin ni Ysabel na wala pa sa kanilang plano na lumagay sa tahimik, sa lalong madaling panahon.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinabi ng aktres na sa ngayon ay tututukan muna nila ni Miguel ang pagpapaunlad sa kani-kanilang sarili.
Idinagdag ni Ysabel na ang individual growth nila ni Miguel ang kanilang prayoridad sa ngayon at sa mga susunod pang mga taon.