PASOK na ang Chery Tiggo sa quarterfinals ng 2025 Premier Volleyball League All-Filipino Conference matapos talunin ang Farm Fresh, sa PhilSports Arena, sa Pasig City.
Pinadapa ng Crossovers ang Foxies sa kanilang play-in match sa score na 29-27, 15-25, 25-22, at 25-21.
ALSO READ:
Pinay Tennis Sensation Alex Eala, nagbabala laban sa disinformation, fake news
Lebron James, Stephen Curry, at Kevin Durant, muling nagsama-sama sa NBA All-Star lineup
World class multi-sports hub itatayo sa New Clark City
Lebron James, napiling maglaro para sa kanyang 22nd consecutive NBA All-Star game
Tinapos ng Chery Tiggo ang kanilang play-in sa record na 2-1, matapos ma-sweep ang Nxled Chameleons noong nakaraang Huwebes.
Itinanghal naman ang veteran spiker na si Ara Galang bilang Player of the Game makaraang makapagtala ng 20 points, sa pamamagitan ng 16 kills, three blocks, at one ace.
Dahil dito, aabante ang Crossovers para makalaban ang top-seeded na Creamline sa quarterfinals.
