Umakyat na sa apatnaraan limampu’t walo ang mga barangay na apektado ng African Swine Fever (ASF), o katumbas ng 82 percent na paglobo kumpara sa naitala ng Bureau of Animal Industry (BAI) nang pumasok ang buwan ng Agosto.
Sa latest bulletin, as of Aug. 21, ang naitalang 458 barangays na mayroong active ASF cases ay mula sa tatlumpu’t dalawang lalawigan sa labinlimang rehiyon sa bansa.
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Kumpara ito sa datos noong Aug. 8, kung saan 251 barangays mula sa dalawampu’t dalawang probinsya sa labing isang rehiyon ang apektado ng ASF.
Sinabi ni Agriculture Assistant Secretary for Poultry and Swine Dante Palabrica, na inaasahan na nila ang paglobo ng mga bilang, sa gitna ng maulang panahon.
Idinagdag ng opisyal na ang paglaganap ng ASF ay posibleng dahil din sa mga tiwaling negosyante na nagbi-biyahe ng mga baboy na mayroong sakit.
