Naglabas ang Davao Regional Trial Court Branch 15 ng Temporary Protection Order (TPO) pabor sa Kingdom of Jesus Christ, kung saan inatasan ang PNP na itigil ang kanilang aksyon na naglalagay sa alanganin sa kaligtasan at seguridad ng mga miyembro ng religious group.
Pinatanggal ng korte sa Police Regional Office 11 ang lahat ng barikada na humaharang papasok at palabas ng KOJC compound.
Cyberlibel ni Sen. Risa Hontiveros laban kay Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ
Interpol humihingi pa ng dagdag impormasyon sa request na red notice kay Zaldy Co
Hirit ni Dating Senador Bong Revilla na mailipat siya sa Camp Crame sinopla ng korte
Cong. Edvic Yap nagbitiw bilang kongresista; Cavite Rep. Kiko Barzaga suspendido ulit ng 60-araw
Inilabas ng korte ang kautusan sa gitna ng tensyon sa pagitan ng KOJC members at mga pulis, sa gitna ng pagsisikap ng mga awtoridad na maisilbi ang arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy na nahaharap sa mga kasong child and sexual abuse at human trafficking.
Samantala, isiniwalat ng PNP na mayroong mga sikretong lagusan sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.
Ayon kay PNP Spokesperson, Police Colonel Jean Fajardo, kabilang din sa mga challenge sa paghahanap sa puganteng pastor ay ang mga pasikot-sikot at madidilim na daan.
Aniya, na-detect din sa pamamagitan ng ground penetrating radar ang life signals mula sa underground na nagpapahiwatig na mayroong nakatagong bunker sa lugar.
Samantala, itinanggi ni KOJC Chief Legal Counsel, Atty. Israelito Torreon ang inihayag ng PNP na mayroong underground bunker sa compound, sa pagsasabing baka galing lamang sa mga tubo o daga ang umano’y “heartbeats” na na-detect sa ilalim ng lupa.
