Ipinagdiwang ng YouTube noong Miyerkules, Abril 23, 2025 ang mahigit 20 bilyong videos na ina-upload sa platform mula nang mag-debut ang unang clip dalawang dekada na ang nakararaan.
Ang kakayahan sa pag-upload ng video ay idinagdag noong Abril 23, 2005, nang i-post ni Karim ang unang video, na pinamagatang “Me at the Zoo.” Ang 19-segundong clip na nagpapakita kay Karim sa elephant exhibit sa San Diego Zoo ay nakakuha ng 348 milyong views.
Agusan del Sur students, nakipagsabayan sa world stage — nag-uwi ng Medals at Special Award mula China
6G connectivity na 100x na mas mabilis kaysa 5G, parating na
Smart Glasses, susunod na gadget at bagong mukha ng teknolohiya
Mga batang innovator sa Robotics at AI, nagtagisan sa WRO-Asia Pacific Open Championship 2025 sa Manila
Sa loob ng 20 taon, mas lumawak pa ang Youtube nang higit pa sa naiisip na posible noong 2005. Sa ngayon ang average na ina-upload na videos araw-araw ay humigit-kumulang 20 milyon.
Ang Youtube ay nakikipagkumpitensya na ngayon sa mga serbisyo ng streaming tulad ng Netflix, Disney, at Amazon Prime, pati na rin ang mga short-form na video platform tulad ng TikTok at Instagram’s Reels.