20 May 2025
Calbayog City
Tech

Paalam Skype

Inanunsyo ng Microsoft ang nakatakdang pagsasara ng Skype sa May 5, 2025. Matapos ang dalawang dekada na pamamayagpag sa libreng audio at video call gamit ang internet.

Ang Skype ay inilunsad noong 2003 sa Estonia at mabilis na nakilala bilang isang paraan upang gumawa ng mga libreng tawag sa buong mundo.

Mabilis na naging tanyag ang serbisyo, na humantong sa eBay na bilhin ito noong 2005 sa halagang $2.6 bilyon. Gayunpaman, hindi natuloy ang partnership, at ibinenta ng eBay ang 65% stake nito sa Skype sa isang investor group sa halagang $1.9 bilyon noong 2009 bago ito binili ng Microsoft noong 2011.

Ang mga users ng Skype maaring makapag-log in sa Microsoft Teams ng libre sa anumang sinusuportahang device gamit ang kanilang username and password na awtomatikong ililipat ang mga chat at contact.

kuya pao

Author
A former Supervisor of BPO/Call center at Sykes Asia Inc. who has an interest in the new technologies. During his free time he loves to cook.