Tiniyak ni Transportation Secretary Jaime Bautista na mayroong sapat na consolidated Public Utility Vehicles (PUVs) na nag-o-operate sa Metro Manila, mahigit isang buwan matapos ang consolidation deadline.
Sa statement, sinabi ni Bautista na 80 percent ng PUV operators at drivers ang lumahok sa mga kooperatiba bilang bahagi ng PUV modernization program, batay sa report ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ayon sa kalihim, mayroong mga ruta na kailangan sigurong bawasan ng sasakyan dahil napakarami.
Idinagdag ni Bautista na inaayos ng transportation department, LTFRB, at Metro Manila Local Government Units ang Local Public Transport Route Plan (LPTRP).
Aniya, sa pamamagitan ng pagsasapinal ng LPTRP, masisiguro na magiging profitable at sustainable ang mga ruta, na ang ibig sabihin ay maari nang mag-invest sa modern vehicles.