PINATAWAN ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) ng 2.038 million pesos na multa ang West Zone Concessionaire na Maynilad Water Services Inc. bunsod ng mahinang kalidad ng tubig sa ilang lugar sa Caloocan City.
Ayon kay MWSS-RO Chief Regulator Patrick Ty, babayaran ng Maynilad ang penalty sa pamamagitan ng rebates sa kabuuang 3,841 Water Customers sa mga apektadong lugar sa nabanggit na lungsod.
Sinabi ni Ty na bawat customer mula sa barangay 63 hanggang 76 ay makatatanggap ng rebate na 530 pesos and 69 centavos simula sa susunod na buwan.
Samantala, inihayag ng Maynilad na iginagalang nila ang Regulatory Decision, kasabay ng pagtiyak sa kanilang commitment hinggil sa kalidad ng kanilang tubig at kaligtasan ng customers.
Binigyang diin din ng kumpanya na isolated ang naturang water quality issue.