13 March 2025
Calbayog City
Business

Kita ng BSP, bumaba ng mahigit 70% sa unang walong buwan ng taon

bsp

Nabawasan ang kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 71% simula Enero hanggang Agosto, kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa preliminary data, bumagsak sa 22.91 billion pesos ang earnings ng Central Bank kumpara sa 78.82 billion pesos na naitala sa unang walong buwan ng 2022.

Simula Enero hanggang Agosto, umakyat ang interest earnings ng BSP ng 23.1% o sa 127.52 billion pesos mula sa 103.57 billion pesos.

Nakapagtala ang BSP ng net loss na 10.4 billion pesos sa miscellaneous activities, gaya ng trading gains o losses, fees, penalties, at iba pang operating income, na kabaliktaran ng kinita noong nakaraang taon na umabot sa 11.15 billion pesos.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *